NAKATANGGAP NG TULONG ANG PTA PARA MAKAMIT ANG KANILANG MISYON
Nagsisikap ang Parent Teacher Association para mabigyan ang mga kabataan ng mas maliwanag na kinabukasan at tinutulungan sila ng Drug-Free World.
Sa taong ito, nagmamalaking nakilahok ang Drug-Free World International sa PTA Convention and Expo sa Columbus, Ohio, sa katapusan ng Hunyo. Ang PTA, o Parent Teacher Association, ay isang organisasyon ng mga magulang, mga guro at mga kawaning idinisenyo para magpadali sa pakikilahok ng mga magulang sa mga eskuwelahan. Ang Pambansang PTA sa America ay isa sa pinakamalalaki at pinaka-sinaunang organisasyon ng mga boluntaryong eksklusibong nagsusumikap para sa mga kabataan. Una itong itinatag noong Pebrero 1897, orihinal na tinawag na National Congress of Mothers (Pambansang Kongreso ng Mga Ina).
Ang misyon ng PTA, tulad ng nakasaad sa kanilang website, ay “to make every child’s potential a reality by engaging and empowering families and communities to advocate for all children” (gawing realidad ang potensiyal ng bawat bata sa pamamagitan ng pagpapalahok at pagbibigay-lakas sa mga pamilya at mga komunidad para suportahan ang lahat ng mga kabataan). Wala nang mas perpektong kagamitan para makatulong sa hangaring iyon kaysa sa mga materyales ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga, dahil pinahihina ng mga droga ang bawat aspeto ng pagsasagawa nito.
Ang mga miyembro ng PTA na dumalo sa Expo ng taong ito ay kumatawan sa higit pa sa apat na milyong mga magulang, mga guro, mga lolo’t lola, mga tagapangalaga, mga ama-amaha’t ina-inahan at iba pang nangangalagang mga nakatatanda sa kabuuan ng Estados Unidos. Itinanghal ng DW ang iba’t ibang mga materyales na ihinahandog nito, kabilang na ang serye nito ng 14 booklet tungkol sa mga pinaka-karaniwang inaabusong mga droga, ang Education Pacakge ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga, ang dokumentaryong Tunay na Mga Tao, Tunay na Mga Kuwento at ang 17 public service announcements (anunsiyong pampublikong serbisyo) na pinamagatang “Sabi Nila/Nagsinungaling Sila”.
Nang may higit pa sa 150 miyembro ng PTA na nag-uwi ng buong mga Education Package ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga—kabilang na ang ilang state PTA president—malinaw na bagay na bagay ang mga materyales para sa kanilang trabaho. Ang mga miyembrong nanghihingi ng mga materyales ay kinabibilangan ng mga nasa Illinois at Kentucky na nanghingi para sa pagpapatupad nito sa buong estado at ng kinatawan para sa PTA ng Europa na nakikipagtrabaho sa mga US military school sa ibang bansa.
Ipinakikita ng pananaliksik na ang paggamit ng droga ay kadalasang nagsisimula sa maagang kabataan ng isang tao at minsan bago pa sila maging teenager, hindi na surpresang ang mga materyal na pang-edukasyon ng DFW ay sikat na sikat sa mga magulang at mga guro. Isang aspeto ng sitwasyon ay pagdating ng panahon na mga senior na sila (nasa ikaapat na taon ng mataas na paaralan), halos 70 porsiyento ng mga estudyante ng mataas na paaralan ang nakasubok na ng alkohol, kalahati ang nakagamit na ng ilegal na droga at 20 porsiyento ang nakagamit na ng inireresetang droga para sa hindi naman medikal na paggamit.
Totoong totoo ito sa isang miyembro ng Atlanta, Georgia, PTA, na isa ring guro ng mga Young Marines. Binisita niya ang booth at sinabi niyang ginagamit na niya ang online resource ng DFW at ibinahagi niya kung gaano kalaki ang epekto nito sa kanyang mga estudyante. Binigyan din niya ang kanyang mga estudyante ng mga kopya ng mga booklet ng DFW, para mayroon silang maiuuwi na nagpapaalala sa kanila kung ano ang natutunan nila sa klase. Gustung-gusto niyang ang mga booklet ay “batay sa katotohanan at madaling gamitin.”
Ipinakikita ng pananaliksik na ang paggamit ng droga ay kadalasang nagsisimula sa maagang kabataan ng isang tao at minsan bago pa sila maging teenager, hindi na surpresang ang mga materyal na pang-edukasyon ng DFW ay sikat na sikat sa mga magulang at mga guro.
Isa pang bumisita sa booth, ang Presidente ng Georgia PTA, ay ginagamit na ang mga materyales at gustung-gusto ang mga resource. Nagsisikap siya para magkaroon ng mas malaking pakikilahok mula sa mga paaralan at iba pang lugar na nagbibigay ng edukasyon tungkol sa kaugnayan ng human trafficking at ng mga gang sa droga. Nakikita niya ang pagbibigay-edukasyon tungkol sa droga bilang isang mahalagang solusyon sa problemang iyon.
Natanggap ng Presidente ng Alaska PTA ang mga materyales ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga noong nakaraang taon, ngunit isang malaking lindol noong Nobyembre 2018 ang nagpahiwalay sa kanya mula sa mga materyales na iyon. Sa gayon, masayang-masaya siyang nakakuha siya ng bagong package at sa huli ay gusto niyang maipatupad ang programa sa buong estado ng Alaska.
Isang Policy Chairman para sa Maryland PTA ay pamilyar din sa programa ng Drug Free World at agaran siyang umorder ng karagdagang mga materyales mula sa DFW para maipatupad at magamit ang mga ito.
Madaling makakukuha ang mga tagapagturo ng kanilang sariling Package ng Ang Katotohanan Tungkol sa droga mula sa drugfreeworld.org/educator.
MAGLIGTAS NG MGA BUHAY MULA SA DROGA
Suportahan ang Foundation for a Drug-Free World at tumulong sa pagprotekta sa mga buhay ng kabataan mula sa nakasisirang mga epekto ng mga droga. Ang inyong mga kontribusyon ay nagpapahintulot sa aming gawing libre ang aming mga materyal na pang-edukasyon sa mga paaralan, mga organisasyong pang-kabataan at iba pang mga grupo at indibidwal. Ang inyong suporta ay tumutulong na bigyang-lakas ang mga tao sa mga katotohanang kailangan nila para mabuhay nang malusog at malaya sa droga.