10 DAYS TO SAY NO TO DRUGS

Ang Drug-Free World Belgium team sa isang “10 Days to Say NO to Drugs” tour sa ngalan ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking.

Nakisali ang DFW Belgium sa mga chapter mula sa 24 bansa para kilalanin ang International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (Pandaigdigang Araw Laban sa Pag-abuso ng Droga at Ilegal na Pagtatrapiko).

Mula pa noong 1987, ang United Nations International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking ay ipinagdiriwang sa ika-26 ng Hunyo sa buong mundo. Ang layunin ng araw ay ang pagtibayin ang mga kilos at kooperasyon para makamit ang hangarin ng isang pandaigdigang lipunan na malaya sa pag-abuso sa droga.

Sa gayon, ang mga Drug-Free World (DFW) chapter sa 24 bansa at 90 siyudad ay nagsuot ng kanilang kulay teal na T-shirt at pinuno ang kanilang mga DFW tote bag ng mga booklet mula sa serye ng 14 booklet ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga. Nagpunta sila sa mga kalsada, sa mga beach, sa mga parke, sa mga sports games at saan man kung saan nagkukumpul-kumpol ang mga tao, para maabot ang mga bata, mga kabataan, mga pamilya at lahat ng iba pa gamit ang katotohanan tungkol sa mga droga.

Isang halimbawa nito ay ang Drug-Free World Belgium team. Nagpasimula sila ng isang “10 Days to Say NO to Drugs” tour (10 Araw para Umayaw sa Mga Droga) mula ika-16 ng Hunyo hanggang sa ika-26 ng Hunyo.

Ang kanilang unang araw ay nagsimula sa Antwerp, isang siyudad sa hilagang Belgium. Naglagay ng isang booth sa labas ng Central Train Station ng Antwerp, na nakaabot sa higit pa sa 3,500 kataong namamasahe gamit ang mga booklet na madadala nila sa kanilang mga paglalakbay, saan man sila magpunta. Ang isang namamasahe ay nagbiyahe sa tren at dumating sa Antwerp para sa layuning bumili ng droga, dahil nasabihan siyang ang Antwerp ay isang lugar kung saan madaling makakuha ng mga droga. Sa halip ay umuwi siya na may kopya ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga sa kanyang mga kamay at bagong mga plano para mamuhay nang malinis.

Lumipat sila pa-timog, sa Molenbeek kung saan talamak ang paggamit ng droga. Sa gayon ay inilagay nila ang kanilang booth sa Étangs Noirs metro station at namigay ng 3,300 booklet sa mga pasahero at mga tindahan. Ang mga naabot ay kinabibilangan ng isang guro na hindi lamang nanghingi ng mga booklet, ngunit pati na rin isang Drug-Free World Education Package, na nagbibigay sa lahat ng kinakailangan ng isang guro para maabot ang kanilang mga estudyante gamit ang katotohanan tungkol sa mga droga. Nanghingi pa ng mas marami ang isang may-ari ng tindahan, dahil ang mga natanggap niyang booklet ay mabilis na nauubos.

Ang 10-araw na tour ay kinabilangan ng isang bicycle junket sa kabuuan ng Brussels, ang kabisera ng Belgium, kung saan higit sa 100 tindahan ang binisita ng grupo. Ang mga tindahan ay kumuha ng mga booklet para maipamigay sa kanilang mga kustomer. Tumigil din ang mga bike rider sa Porte de Namur metro station, sa Place de la Monnaie square at sa kahabaan ng Rue Neuve pedestrian street kung saan libu-libong katao ang dumaraan kada oras. Isang nurse na na-kontak ng DFW team ay nangangalaga sa mga pasyenteng kadalasang mga dating adik sa droga o mga dating drug dealer. Agad siyang kumuha ng mga booklet mula sa kanila at kinuha ang address ng website para maka-order pa ng mas marami dahil kailangan niya ang mga ito. Ang isa pang tao ay talagang masuporta tungkol sa trabaho ng grupo na kumuha siya ng isang kulay teal na tote bag na puno ng mga booklet at nagsimulang mamigay sa bawat tindahan.

Ang 10 araw na tour ay kinabilangan ng isang bicycle junket sa kabuuan ng Brussels, ang kabisera ng Belgium, kung saan higit sa 100 tindahan ang binisita ng grupo.

Noong sumunod na araw, nagpatuloy pakanluran ang grupo patungo sa Ostend city sa dalampasigan ng English Channel, kung saan tumanggap ng mga booklet ang mga restaurant sa harapan ng beach at ang mga may-ari ng tindahan. Ibinahagi ng isang café ang kanilang paghihirap sa karaniwang paggamit ng cannabis sa lugar at mga taong nagsusubok na suminghot ng cocaine sa loob ng café mismo. Sa gayon, ang booklet na Ang Katotohanan Tungkol sa Cocaine ay ipinamigay nang direkta sa mga kustomer. Ang ilang mga may-ari ng tindahan ay dati nang distribudor ng mga booklet at humiling na mabigyan muli ng stock kada-linggo, dahil mabilis nilang naipamigay ang kanilang mga booklet.

Sa isa pang siyudad na tinatawag na Flanders, noong Kontichleeft festival, nagsagawa ng panayam ang Deputy Mayor for Sports sa lokal na radyo, ang Zuidrand Kontich. Nagsalita siya sa harapan ng DFW booth, ipinapaliwanag na naroon sila para mabigyan ang mga kabataan ng katotohanan tungkol sa mga droga.

Sa kabuuan, higit pa sa 55,000 materyales ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga ang naipamigay sa kabuuan ng Belgium, at higit pa sa 500 tindahan ay may mga booklet na ngayon para sa kanilang mga kustomer. Para maibahagi pa ang mensahe sa libu-libo, lumabas ito sa media, sa isang TV show at limang pagkaka-broadcast ng panayam sa radyo.


MAGLIGTAS NG MGA BUHAY NG KABATAAN

Suportahan ang Foundation for a Drug-Free World at tumulong sa pagprotekta sa mga buhay ng kabataan mula sa nakasisirang mga epekto ng mga droga. Ang inyong mga kontribusyon ay nagpapahintulot sa aming gawing libre ang aming mga materyal na pang-edukasyon sa mga paaralan, mga organisasyong pang-kabataan at iba pang mga grupo at indibidwal. Ang inyong suporta ay tumutulong na bigyang-lakas ang mga tao sa mga katotohanang kailangan nila para mabuhay nang malusog at malaya sa droga.