PAGDADALA NG KATOTOHANAN TUNGKOL SA MGA DROGA SA MGA KABATAAN NG TANZANIA
Ang karanasan ng kung paano nagdusa ang isang tao sa malalim na personal na pagkawala ng isang malapit na kapamilya sa mga kamay ng pag-abuso ng droga ay gumigising sa kabataan ng kanyang bansa tungo sa katotohanan para maitigil nila ang problema.
Ang Tanzania ay tahahan sa 51 milyong tao bilang pinakamalaking bansa sa Silangang Africa. Isa rin ito sa pangunahing destinasyon ng turista sa Africa at tahanan din sa lumalawak na eksena ng droga. Ayon sa mga taya ng United Nations Office on Drugs and Crime (Tanggapan para sa Mga Droga at Krimen ng Nagkakaisang Mga Bansa), sa higit pa sa 500,000 gumagamit ng heroin sa Silangang Africa, halos 60 porsiyento ang naninirahan sa Tanzania.
Habang ang heroin ang pinaka-ginagamit, tiyak na hindi lamang ito ang drogang nakaaapekto sa Tanzania. Sabi ni Hamisi Ndosho na sa kanyang bayan ng Tanga na ang pangunahing ikinabubuhay ay pangingisda, ang cocaine ay nasimulang makilala noong 2010, at ang kanyang pamangking lalaki ang isa sa mga hindi masusuwerteng na-hook at namatay hindi nagtagal.
Naniniwala si Ndosho na ang kamangmangan ang pangunahing dahilan kung bakit ang mga taong tulad ng kanyang pamangking lalaki ay nagiging biktima ng droga, at pakiramdam niyang kailangan na niya ngayong pigilan ang trahedyang ito mula sa pangyayari sa ibang tao.
Nagkukuwento si Ndosho tungkol sa mga estudyanteng talagang naapektuhan ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga na lumilikha sila ng sarili nilang mga drug-free club. Gusto rin niyang maisalin ang mga materyales na ito sa Swahili.
“Ang pinakamahusay na solusyon sa problema ng droga ay nagsisimula sa edukasyon,” sabi niya. Kaya’t pagkatapos agad niyang matuklasan ang kampanyang Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga online, natural na nagustuhan ito ni Ndosho at sinimulan niya itong gamitin sa mga paaralan sa Tanzania.
“Nakakakuha ng malaking pagtugon ang programa, lalo na sa mga kabataang may mga kaibigan o kapamilyang gumagamit ng droga,” sabi niya. “[Ang mga ito] ay napakahusay na materyales na magagamit ng mga tao saanmang sulok ng mundo.”
Nagkukuwento si Ndosho tungkol sa mga estudyanteng talagang naapektuhan ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga na lumilikha sila ng sarili nilang mga drug-free club. Gusto rin niyang maisalin ang mga materyales na ito sa Swahili para maipamahagi ang mga booklet sa mga umaabuso ng droga na kadalasang tumigil sa pag-aaral at halos hindi nakapagsasalita ng Ingles. Sa pagtugon, nag-organisa si Ndosho ng pagsasaling-wika ng buong programa.
Habang patuloy siyang nagtatrabaho sa mga paaralan, nagpaplano si Ndosho ng seminar ng Ang Katotohanan Tungkol sa MGa droga para sa pandaigdigang mga organisasyon na may mga opisina sa Tanzania, dahil ang problema sa droga ay hindi lamang epidemya dito, kailangan itong mapigilan sa lahat ng lugar. Sabi ni Ndosho na hangga’t may pag-abuso sa droga, matatagpuan siyang nagdadala ng katotohanan tungkol dito sa lahat ng mga tao.
MGA KATOTOHANAN
1 SA 15
INDIBIDWAL
na gumagamit ng mga inireresetang painkiller ay susubok ng heroin sa loob ng 10 taon.
680,000
AMERIKANO
ang gumaming ng heroin noong 2013, halos doble ng dami noong 2007.
26 MILYON
TAO
ang umaabuso ng opioid sa buong mundo.
A 50%
PAGBAGSAK NG PRESYO
ng heroin mula noong 1980 ay ginawa itong kaabot-abot para sa karaniwang Amerikano.
16,651
TAO ANG NAMATAY
nag-overdose sa mga opiod na painkiller sa Estados Unidos noong 2010, higit pasa 3X ng bilang dalawang dekada ang nakakalipas.
KAILANGAN NAMIN ANG INYONG TULONG
Suportahan ang Foundation for a Drug-Free World at tumulong sa pagprotekta sa mga buhay ng kabataan mula sa nakasisirang mga epekto ng mga droga. Ang inyong mga kontribusyon ay nagpapahintulot sa aming gawing libre ang aming mga materyal na pang-edukasyon sa mga paaralan, mga organisasyong pang-kabataan at iba pang mga grupo at indibidwal. Ang inyong suporta ay tumutulong na bigyang-lakas ang mga tao sa mga katotohanang kailangan nila para mabuhay nang malusog at