TINUTURUAN ANG 1.3 BILYON SA INDIA NA MAMUHAY NANG MALAYA SA DROGA
Laganap ang marijuana. Isa itong kultural na bagay, bahagi ng isang napakasikat na piyesta na tinatawag na Festival of Colors,” sabi ni Vasu Yajnik-Setia Executive Director ng Drug-Free World India. Ang piyesta, na tinatawag ding Holi, ay isang araw na ipinagdiriwang sa India sa pamamagitan ng pagpapaligo ng may kulay na pulbos sa mga kaibigan, mga kapamilya at mga hindi kilala. Kadalasan din itong kinabibilangan ng paggamit ng “bhang,” isang makakaing anyo ng cannabis. Bilang pinipiling halaman ni Shiva, na tinagurian sa India bilang Diyos ng Pagkawasak, hindi nakagugulat na ang marijuana ay isa sa nakapangingibabaw na puwersa sa pangangalakal ng ilegal na droga sa India.
Para makontra ito, binuo ni Vasu ang una niyang grupo ng Drug-Free World sa New Delhi noong huling banda ng 2016. Agad nilang hinarap ang mga kalye. “Nakita namin ang Raahgiri [inisyatibo ng mga mamamayang ariin muli ang mga kalsada mula sa mga sasakyan] bilang isang mahusay na plataporma para sa pagsisimula ng pamamahagi,” sabi niya.
Karagdagan pa sa pamamahagi sa kalsada, nagtatag din si Vashu ng isang grupo ng mga tagapagbigay ng leksiyon na bumibisita sa mga paaralan at mga grupo at nagbibigay ng mga DFW seminar, kabilang na sa mga mahihirap na estudyante ng Sunaayy Foundation at ang Rao Ram Singh Public School, na may motto na “knowledge, service, charity” (“kaalaman, serbisyo, pagkakawanggawa”). Naroon din ang dalawang beses sa isang taon na Sikh Career Guidance Fair kung saan nakakuha ang mga guro at mga estudyante mula sa matataas na paaralan ng mga materyales at pumirma sa panatang drug-free. “Dahil ang unang pagharap ng isang bata sa mga droga ay maaaring mangyari sa anumang edad, ang solusyon ay ang maabot sila bago sila maabot ng mga dealer,” sabi ni Vasu. Ngunit sa isang bansa na may 1.3 bilyong katao, hindi sapat ang iisang grupo.
“Hindi nagtagal ay nakita kong para maisakatuparan ang aking pangarap na paghahatid ng DFW sa buong India, kinakailangan kong lagpasan ang kasalukuyang nasasakop ng aking kilusan. Sinimulan kong magsali ng kahit na sino, ng lahat ng tao,” sabi ni Vasu. Lumaki ang kanyang chapter at naging anim na grupo sa kalakhan ng Delhi—ang kabisera ng India na may 18.9 milyong naninirahan. Kinabibilangan ito ng Dwarka team sa Timog-kanlurang Delhi na nagsanay sa 250 kadete ng pulisya gamit ang Ang Daan Tungo sa Kaligayahan at pagkatapos ay tumulong at nagbigay-serbisyo sa iba.
Hindi nagtagal bago ito lumawak, nagsisi-litawan ang mga grupo sa lahat ng sulok ng India, mula sa estado ng Telangana sa timog, hanggang sa grupo sa estado ng Gujarat sa kanlurang dalampasigan ng India at sa hilaga sa “Blue City” ng Jodhpur sa estado ng Rajasthan, kung saan nagtatrabaho ang pinuno ng grupo sa Narcotics Control Bureau ng India.
Tulad ng ipinapahayag ni Vasu, “Ang hangarin ko ay magkaroon ng isang India na malaya sa droga,” at ngayon, may 31 grupo sa 19 estado, na nakapagbigay-edukasyon na sa 125,000 tao sa unang 14 buwan ng chapter, nailatag niya ang pundasyon para makamit nga ang hangaring iyon.
PAGKILOS
Itinuturo mo ba ang Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga?
Ikinasisiya ba ninyo ang pagbabasa ng mga kuwento tungkol sa pagpapatupad ng pag-agap sa droga at pagbibigay-edukasyon tungkol sa mga droga sa buong mundo? Kahit kailan ay naisip mo ba kung maaari bang maikuwento ang sarili mong kuwento?
Ang Drug-Free World ay isang pandaigdigang network ng mga tagapagturo, tagapagpatupad ng batas, mga espesyalista sa pag-agap sa droga, mga magulang at mga volunteer—ang lahat ay napag-uugnay-ugnay ng kanilang paggamit ng mga materyales ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga at isang layuning pare-pareho sa kanila na bigyang-direksiyon ang mga tao tungo sa isang buhay na malaya sa droga. Dahil binabasa mo ito, kabahagi ka na ng grupo.
Kung matagumpay mong nagamit ang mga materyales ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga o ang curriculum nito at gusto ninyong ipamahagi ang inyong mga naging hamon at mga tagumpay sa ibang tao, gusto naming makarinig mula sa inyo. Ang inyong kuwento ay posibleng maitanghal sa isang panghinaharap na newsletter.
Pakipadala ang inyong kuwento at mga larawan. Ang inyong karanasan ay maaaring makapagbigay-inspirasyon sa iba na sumali sa atin sa pagtuturo sa katotohanan tungkol sa mga droga sa buong mundo.
Naghihintay kaming makarinig mula sa inyo!
MAGLIGTAS NG MGA BUHAY NG KABATAAN
Suportahan ang Foundation for a Drug-Free World at tumulong sa pagprotekta sa mga buhay ng kabataan mula sa nakasisirang mga epekto ng mga droga. Ang inyong mga kontribusyon ay nagpapahintulot sa aming gawing libre ang aming mga materyal na pang-edukasyon sa mga paaralan, mga organisasyong pang-kabataan at iba pang mga grupo at indibidwal. Ang inyong suporta ay tumutulong na bigyang-lakas ang mga tao sa mga katotohanang kailangan nila para mabuhay nang malusog at malaya sa droga.