MGA ANUNSIYONG PAMPUBLIKONG SERBISYO
Bilang sentro ng kasalukuyang programang laban sa droga ng Foundation for a Drug-Free World, mayroong labing-anim na laban sa drogang mga anunsiyong pampublikong serbisyo (public service announcements o PSAs). Ang award-winning na mga video na ito ay batay sa tunay-na-buhay na mga sitwasyon at isinisiwalat nito ang pinaka-karaniwang pinaniniwalaang mga kasinungalingan tungkol sa mga droga.
Ang mga PSA ay nagsisilbing makapangyarihang panimula para sa mga presentasyong nagbibigay-edukasyon tungkol sa mga droga, pati na rin ang pinakamahusay na panimula sa mga serye ng makatotohanan at makabagbag-damdaming mga booklet para sa pagbibigay-edukasyon ng Foundation tungkol sa mga droga. Ang kombinasyong ito ay napatunayang isang epektibong paraan para gawing interesado ang mga estudyante sa pag-alam tungkol sa katotohanan tungkol sa mga droga at, mas mahalaga, nagbibigay ito sa kanila ng impormasyong kinakailangan nila para makagawa ng impormadong desisyong manatiling malaya sa droga.
Ang mga serye ng PSA ay maaari ring ma-order sa DVD para sa muling pagpapalabas sa
mga paaralan, mga information booth para sa pagpapataas ng kamalayan tungkol sa droga o malalaking anti-drug na mga pagpupulong at mga event. Maaari ring gamitin ang mga DVD bilang bahagi ng pang-komunidad na kampanyang pagpapataas ng kamalayan tungkol sa mga droga tulad ng pamamahagi ng mga PSA para sa pagpapalabas sa lokal na mga network at mga istasyon ng cable, mga sinehan, mga mall, mga sports arena, mga istasyon ng tren at mga terminal ng airport.
Orderin ang inyong LIBRENG DVD at anti-drug Information Kit >>