EL SALVADOR SA LANDAS NITO SA PAGIGING ISANG BANSANG DRUG-FREE

Ginagamit ni Koronel Hugo Angulo ang mga materyales ng Drug-Free World para maituro sa mga kabataan ang katotohanan tungkol sa mga droga para makatulong na mabawasan ang talamak na pag-abuso ng droga at karahasan sa El Salvador.

Pagkatapos ng 34 taon sa hukbong militar ng El Salvador, naghahanap si Koronel Hugo Angulo ng panibagong istratehiya sa digmaan laban sa droga. Binabago na niya ang panahon ngayon sa pamamagitan ng Drug-Free World.

Ang mga droga at alkohol ang pinaka-sentro ng mga problema ng bansa,” sabi ni Koronel Hugo Aristides Angulo tungkol sa El Salvador. Tinutukoy niya ang antas ng karahasang hindi napapantayan sa labas ng mga war zone—103 pagpatay kada 100,000 residente noong 2015. Karamihan sa mga karahasan ay kaugnay sa mga gang at pagtatrapiko ng droga.

“Nasa gitna tayo ng dalawang merkado—ang mga bansa sa timog ay gumagawa ng mga droga at sa hilaga ay ginagamit naman nila ito,” sabi ni Angulo.

Sa kanyang 34 taon bilang pinakamatagal na nagsisilbing militar na opisyal ng El Salvador, nakita ni Angulo mismo ang pinsalang dulot ng mga droga at karahasan. Noong 2016, habang nagtatrabaho bilang military attaché (isang taong kawani ng isang embahador na may espesyalisadong responsibilidad) para sa UN Permanent Mission of El Salvador sa New York, naipakilala siya sa Drug-Free World (DFW) ng Ehekutibong Direktor ng New York chapter ng DFW.

Natagpuan ni Angulo ang kanyang bagong sandata. “Kailangan ko ng isa pang kagamitan, isang bagay na makapagdudulot ng pagbabago sa bansa,” wika niya. Pagkatapos maging Direktor ng DFW El Salvador, ibinigay niya ang kanyang unang DFW seminar sa Colonel Milton Andrade Military College at nagsagawa ng mga panayam sa pambansang istasyon ng radyo na YSKL 104.1 FM at sa Televisión Canal 10.

“Nangangalap ng mga kabataan ang mga gang mula sa mga komunidad, kaya ang istratehiya ko ay ang turuan ang mga bata sa mga paaralan,” wika ni Angulo.

Sa Panchimalco, nakipagsosyo si Angulo sa Alkalde at nagsimula ng paghahatid ng programa sa kanilang mga paaralan. Dahil sa sarili nilang mga nakaugalian tungkol sa mga droga ay hindi pumapasok ang mga estudyante sa isang paaralan. Ngunit pagkatapos ng seminar ni Angulo, nagbago ang lahat ng iyon. “Mataas ang insidente ng hindi pagpasok sa eskuwelahan sa amin, ngunit pagkatapos ng seminar ay na-engganyo talaga sila, bumalik ang mga estudyante at pinaghuhusay talaga nila ang kanilang pag-aaral,” wika ng isang guro.

Sa ngayon ay nakapagsanay na si Angulo ng higit pa sa 700 guro para makapaghatid ng programa ng DFW at naabot na niya ang higit pa sa 50,000 estudyante sa siyam na lungsod, at may plano na ngayon kung papaano maipapatupad ang programa sa lahat ng mga paaralan ng bansa.

Pagkatapos ay nakipagsosyo siya sa San Salvador City Hall, Fundasalva (El Salvador Anti-Drug Foundation), FEPADE (Business Educational Development Foundation), sa Pambansang Pulisya at sa Alberto Masferrer Salvadoran Dental University, na nagtakdang maging pangangailangan ng lahat ng mga baguhang estudyante ang lahat ng mga leksiyon ng DFW .

Pagkatapos ng mga programang ito, ang insidente ng mga pagpaslang sa El Salvador ay naging kalahati na lang ng kung ano ito noong 2015, na siya namang kinikilala ng Ministro ng Hustisya at Seguridad na dahil ito sa “maigting na digmaan” laban sa krimen, mga pamamaraan ng rehabilitasyon sa mga bilangguan at mga pang-agap na programa sa mga nanganganib na komunidad. Maipagmamalaking masasabi ni Angulo na isa siyang pangunahing bahagi ng mga programang pang-agap na iyon, at ipinagpapatuloy niya ang kanyang pakikipagtrabaho sa DFW para magdulot pa ng mas malaking positibong pagbabago sa El Salvador. Panoorin ang kuwento ni Angulo sa scientology.tv/HAngulo.


Samahan kami sa pagsasagawa ng mga seminar at pamamahagi ng mga booklet para makalikha ng isang mundong malaya sa droga.

PAGKILOS
Tumulong sa Pagsugpo ng Pag-abuso sa Ilegal na Droga

Bawat taon sa ika-26 ng Hunyo, kumikilos kami sa United Nations International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (Pandaigdigang Araw ng Nagkakaisang Bansa Laban sa Pag-abuso sa Droga at Pagtatrapiko ng Ilegal na Mga Droga), idinisenyo para maitaas ang kamalayan tungkol sa mga panganib ng ilegal na mga droga.

Sa araw na ito, nagsisilabasan ang mga volunteer at mga chapter ng Drug-Free World para mamahagi ng mga booklet ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga at papirmahin ang mga lokal sa Panatang Drug-Free. Naghahatid din ng mga seminar ang mga volunteer at nagsasagawa ng mga “awareness campaign” sa mga eskuwelahan.

Isa lamang iyong halimbawa ng kung papaano maipag-uugnay-ugnay ng mga chapter ng Drug-Free World saan man ang kanilang mga gawain sa pandaigdigang pagdiriwang at espesyal na mga araw para maitaas ang kamalayan ng publiko.

Sa kabuuan ng taon ay inaanyayahan namin ang lahat ng mga volunteer at mga taga-suporta na makisali sa amin sa mga gawain. Maaari rin kayong mag-plano ng pamamahagi at mga pledge-signing na mga pagdiriwang sa matataong lokasyon, maglagay ng mga booklet sa mga tindahan para sa kanilang mga kustomer at anupaman para maipaabot ang katotohanan tungkol sa mga droga sa mga tao.

I-download ang panata sa drugfreeworld.org/downloads. Padalhan kami ng mga video at mga larawan ng inyong mga gawaing may kinalaman sa DFW.