SINIMULAN NG DRUG-FREE BOGOTÁ DAY ANG IKALAWANG TAON PARA MAABOT ANG ISANG MILYONG COLOMBIANO

Mga sikat na tao, mga beauty queen, mga opisyal ng militar, mga pulis at mga opisyal ang makikisali sa Drug-Free World Colombia para dagdagan pa ang tagumpay ng nakaraang taon na may 40,000 kataong mamamanata para maging drug-free (malaya sa droga).

Sa 2019, ipinagpatuloy ng Drug-Free World Colombia ang kampanya nito para maihatid ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga sa bansa, na may pangwakas na layunin na bansang drug-free.

Muli ngayong taon, maipagmamalaking idaraos ng Drug-Free World Colombia ang ikalawa nitong taunang Drug-Free World Bogotá Day sa pakikipag-ugnayan sa lokal na opisyal ng pamahalaan, pulisya at militar, ang lahat ay may pangwakas na layuning isang milyong mamamayang pumirma para sa pamumuhay nang drug-free.

Ang layuning ito ay sinimulan noong 2018, noong ang araw ay opisyal na pinasinayaan ng pamahalaan ng Bogotá bilang Drug-Free Bogotá Day. Para maisagawa nang bongga ang unang araw na iyon, kontroladong-kontrolado ito ng DFW Colombia na may higit pa sa 400 volunteer na nakagayak nang may mga booklet ngAng Katotohanan Tungkol sa Mga Droga, mga clipboard at mga pledge board (para sa pagpirma sa panata) sa higit pa sa 35 lokasyon sa kabuuan ng siyudad. Simple ang kanilang mensahe: “Less Drugs = More Life.” (Hindi Gumagamit ng Droga = Mas Mahabang Buhay)

Nagsimula ang umaga sa isang news conference na nagtatanghal sa mga ehekutibo ng Pambansang Pulisya ng Colombia, kabilang na si Tinyente Angelica Bedoya, Chief of Prevention (Hepe ng Pag-Agap) ng Pambansang Pulisya. Nakilahok din si Miss Colombia International, ang aktor/producer na si Agmeth Escaf at Ingrida Lingyte, Presidente ng Drug-Free World Colombia.

Ipinahayag ng mga istasyon ng telebisyon ng Bogotá TV ang espesyal na araw at hinikayat ang mga taong lumabas at pirmahan ang Panatang Drug-Free. Kinapanayam ng City TV si Lingte at lumabas din ang balita sa Canal Capital, RCN TV at CM1 TV. Ihinatid ang balita ng pitong istasyon ng radyo, kabilang na ang National Police Radio, at ang diyaryong El Tiempo.

Walang sulok ng siyudad ang hindi naabot ng DFW booth, media coverage o sakop ng social media.

Ginamit ng mga artista ng telebisyon, pelikula at isports ang kanilang social media para mahikayat ang mga mamamayan ng Bogotá na isagawa ang napakabuluhang pangakong ito. Walang sulok ng siyudad ang hindi naabot ng DFW booth, media coverage o sakop ng social media. Nagtapos ang Drug-Free Bogotá Day nang may 40,000 lagda sa mga panata, habang ang kalapit na mga siyudad ay lumikha ng sarili nilang Drug-Free Day.

Marami pang aktibidades na pinasimulan sa kamakailang mga buwan ay humahantong nang lahat sa ikalawang Drug-Free Bogotá Day para sa 2019. Hindi titigil ang Drug-Free World hanggang sa maabot ang hangaring isang milyong panata para mamuhay nang drug-free.


MGA KATOTOHANAN

PSYCHEDELICS: ANG MGA KATOTOHANAN

Ang mga psychedelic na droga ay kinabibilangan ng DMT, LSD, PCP, mescaline at psilocybin. Heto ang katotohanan:

1 hanggang 7

PORSIYENTO

ng 15 hanggang 16 taong gulang na mga estudyante sa 24 bansa ng European Union at Norway ang nakagamit ng hallucinogenic mushrooms

4.2

PORSIYENTO

ng mga Europeo sa pagitan ng edad 15 hanggang 24 ang nakasubok ng LSD kahit isang beses man lamang

10 hanggang 12

ORAS

ang tagal ng pampaguni-guning mga epekto ng peyote o mescaline

32

MILYONG

tao sa Estados Unidos ang gumagamit ng psychedelic drugs

53

PORSIYENTONG

pagtaas sa paggamit ng DMT sa Estados Unidos sa pagitan ng 2006 at 2012


MAGLIGTAS NG MGA BUHAY MULA SA DROGA

Suportahan ang Foundation for a Drug-Free World at tumulong sa pagprotekta sa mga buhay ng kabataan mula sa nakasisirang mga epekto ng mga droga. Ang inyong mga kontribusyon ay nagpapahintulot sa aming gawing libre ang aming mga materyal na pang-edukasyon sa mga paaralan, mga organisasyong pang-kabataan at iba pang mga grupo at indibidwal. Ang inyong suporta ay tumutulong na bigyang-lakas ang mga tao sa mga katotohanang kailangan nila para mabuhay nang malusog at malaya sa droga.