MGA PAINKILLER
“Sa edad na 20, naging adik ako sa isang narkotikong nagsimula sa isang resetang natanggap pagkatapos ng isang operasyon. Sa mga linggong sumunod [pagkatapos ng operasyon], karagdagan sa abusadong pag-inom sa tableta, ang padurog dito ay nagpahintulot sa aking masira ang controlled release mechanism (kontroladong mekanismo ng pagpapakawala ng droga sa sistema ng katawan) at para malunok o masinghot ang droga. (Maaari rin itong iturok para makalikha ng isang pakiramdam na katulad sa pagtira ng heroin.) Ang pisikal na paglayo mula sa droga ay hindi kaiba sa paghihirap sa sakit.”—James
“Hindi ko naisip na may problema ako sa ‘droga’—bumibili ako ng mga tableta sa botika. Hindi nito naapektuhan ang aking trabaho. Medyo pagod ako sa umaga, ngunit wala nang iba pa. Ang katotohanang ako ay may problema ay talagang lumabas noong uminom ako ng sobra-sobrang dosis na mga 40 tableta at natagpuan ko ang sarili ko sa ospital. Nanatili ako nang 12 linggo sa klinika, pinaglalabanan ang aking pagkasugapa.”—Alex
“Sa higit ng maaalala ko, nagkaroon ako ng masasaya at malulungkot na karanasan. Madaling sumama ang loob ko sa napakaliliit na bagay, magkakaroon ako ng bigla-biglang galit, o mamumuhi sa isang tao nang walang kahit anong dahilan. Matagal kong inisp na isa akong bipolar. Nagsimula akong gumamit ng droga noong Oktubre para matulungan ako sa aking hindi kanais-nais na pakiramdam. Ngunit maniwala ka o hindi, pinalala lamang nito ang mga bagay! Kinailangan ko ngayong harapin ang aking pagkalulong sa droga at ang mga problema ko sa emosyon.”—Thomas
“Nalaman ko ito mga isang taon pagkatapos kong malulong. Noong nagpasya akong tumigil, nagdaan ako sa withdrawal sa pisikal, sikolohikal at emosyonal na aspeto. Akala ko noong full-time akong gumagamit ng mga pills (mga hanggang apat kada araw), na kahit ano puwede kong gawin. Sa katunayan ay kaya nitong panatilihing balanse at hindi pabagu-bago ang aking mood. Mula noong hindi na ako gumagamit ng pills, pakiramdam ko ay mas buhay ako, mas listo at mas may kakayahang mabuhay nang may tiwala sa sarili. Hindi ko napansing pinanatili ko ang aking sarilli sa isang ilusyon o usok gamit ang mga pills ng hindi tunay na kasiyahan.” —Jason