ALKOHOL
“Noong ako ay 13 taong gulang, tutuksuhin ako ng mga kaibigan kapag ko kung wala akong inumin. Bumigay na lang ako dahil mas madaling makisama sa grupo.
“Hindi talaga ako masaya at uminom lamang para matakasan ang aking buhay. Padalang nang padalang ang paglabas ko, kaya’t nagsimula akong mawalan ng mga kaibigan. Mas naging malungkot ako, mas dumalas ang pag-inom ko. Marahas ako at wala sa kontrol. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko. Sinisira ko ang aking pamilya.
“Napalayas sa aking tahanan noong ako ay 16 na taong gulang, wala akong tahanan at nagsimulang manlimos ng pera para makabili ng inumin. Pagkalipas ng ilang taon ng pang-aabuso, sinabi sa akin ng mga doktor na nagkaroon na ako ng kanpinsalaang walang lunas sa aking kalusugan.
“Ako ay 16 na taong gulang lamang ngunit sirang-sira na ang atay ko at halos patayin ko na ang sarili ko mula sa lahat ng naiinom ko.” —Samantha
“Noong ako mga 20 taong gulang, nagumon na ako sa pag-inom.
“Marami sa aking mga unang alalahanin ay tungkol sa pag-inom, at pumapangalawa na lamang ang iba. Nagsimula kong matanto na kapag hindi ako nakainom, makakaramdam ako ng pagkataranta at magsisimula akong manginig.
“Kung hindi ako iinom, manginginig at magpapawis ako. Hindi ako makatagal nang ilang oras na hindi umiinom.”—Paul
“Itong nakaraang taon ay pumasok ako nang lasing, nawalan ng ulirat sa mga club at mga bar at hindi ko matandaan kung paano ako nakauwi. Nakakahiyang nakipagsiping ako sa isang tao at hindi ko man lamang matandaang kasama kong umuwi ang taong iyon hanggang sa makasalubong ko siya noong sumunod na araw.
“Dalawang relasyon ang nasira ko dahil sobra ko silang nasaktan dahil sa aking pag-inom, ngunit inuna ko ang pag-inom ko. Sobrang nasasaktan ang pamilya ko na pinapatay ng kanilang anak na babae ang kanyang sarili nang parang walang dahilan.” —Jamie
“Noong tumigil ako sa pag-inom, natantong naimpluwensiyahan ng alkohol ang katawan ko sa paraang hindi na ako makatigil. Manginginig ako na para ba akong masisira, magsisimula akong pawisan, hindi ako makapag-isip hangga’t makainom na ulit ako. Hindi ako makapagtrabaho nang wala ito.
“Ginugol ko ang sumunod na 8 taon labas-masok ng detox at mga ospital, nagsusubok na alamin kung ano ang nangyari sa akin, kung paanong naging posibleng hindi ako makatigil. Iyon ang pinakamasama at pinakamahabang bangungot.”—Jan
“Patuloy na nabuo ang adiksyon ko at, bago ko pa nalaman, ako ay naging isang pang-umaga at panghapong manginginom. Nagdesisyon akong tumigil na sa pag-inom. Nakahiga akong gising sa buong magdamag, at pagdating ng hapon ng sumunod na araw, bawat buto sa aking katawan ay nananakit. Sa sobrang katarantahan, nanginginig akong nagpuno ng gin sa isang baso, nangangatal nang matindi ang mga kamay ko na natapon ko halos kalahati ng bote. At habang nilalagok ko ito, nararamdaman kong nababawasan ang matinding paghihirap. Sa panahong iyon napagtanto ko sa wakas ang nakapanghihilakbot na katotohanan: sugapa na ako sa alak. Hindi na ako makatigil” —Faye