LSD
“Sa edad na 16 ay naipakilala ako sa isang drogang inabuso ko nang higit sa tatlong taon—LSD. Ang hindi ko alam ay ang katotohanang ang LSD ang pinakamalakas na pampaguni-guning kilala sa tao.
“Ang droga ay nasa anyo ng isang maliit na piraso ng papel na hindi mas malaki kaysa sa aking hintuturo, tinatawag na blotter. Labinlimang minuto pagkatapos ilagay ang papel sa aking dila, uminit ang buong katawan ko at nagsimula akong magpawis.
“Ilan sa ibang reaksiyong naranasan ko habang gumagamit ng droga ay kinabibilangan ng madilat na mga balintataw, pagkaduwal at pangingilabot. Habang high ako sa LSD, pakiramdam ko na may malaking kaguluha’t kalituhan parehong sa isipan at katawan ko. Ang mga biswal na pagbabago pati na rin ang napakalalaking pagbabago sa ugali ay parang kakaibang nakatatakot na trip—isang trip kung saan pakiramdam ko ay wala akong kontrol sa aking isipan at katawan.”—Edith
“Ilang araw akong nagpupuyat nang diretso, nagbi-“binging.” Kinalaunan ay malaki ang nawala sa aking timbang; nagmukha akong parang naglalakad na bangkay at naging kahihiyan ako sa lahat ng taong nagmahal sa akin.”—Tom
“Sa 13 taong gulang ay unang beses akong uminom at hindi nagtagal ay naipakilala ako sa marijuana. Pagkatapos ay mabilis na napunta sa aking mga kamay ang LSD at naadik ako, kinakain ito na parang candy.
“Isang gabi, habang nagbi-binge (walang tigil na paggamit) ay nahimatay ako at gumising na puno ng dugo sa mukha at sumusuka. Milagrong nagising ko ang sarili ko at nalinis ang sarili ko. Pumunta ako sa kotse, nanginginig, at nagmaneho papunta sa bahay ng mga magulang ko. Tinabihan ko sa kama ang nanay ko at umiyak ako.
“Sa edad na bente uno, pumasok ako sa una kong rehab.”—Donna
“Nagsimula akong uminom sa edad na 15. Pagkatapos ay nagpatuloy ako sa paggamit ng Ecstasy, speed, cocaine at LSD.
“Natagpuan kong mahirap magpanatili ng trabaho at nalungkot nang matindi at inisip kong kailanman ay hindi ko malalampasan ang pagkahumaling ko sa droga. Dalawang beses akong nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng sadyang pag-inom ng pills nang sobra. Ipinasailalim ako sa
mga psychiatrist na nagbigay pa sa akin ng mas maraming droga, mga antidepressant, at
mga pampakalma, na nagpalala lamang ng mga bagay.
“Bilang labasan ng aking mga pakiramdam ay bumaling ako sa pananakit sa sarili ko—sinimulan kong hiwain at sunugin ang sarili ko.”—Justin
“Nagsimula akong tumambay sa mga strip club, mga casino at naging talagang burara sa sex, sunud-sunod na mga bahay-aliwan ang binisita at hindi naglaon ay naipakilala sa iba pang droga. Naubos ko na ang lahat ng mana ko at kinailangan kong lumipat sa isang crack-house, kung saan isang taon akong namalagi at nanonood ng mga taong namamatay, nawala sa akin ang negosyo ko at naging magnanakaw ako.
“Inaresto ako noong Nobyembre ng 2003 para sa pagtatangkang pangha-hijack at pagkatapos ay nakulong. Nasaktan ko at nawala sa akin ang lahat ng nagmamahal sa akin at itinakwil ako. Nawalan ako ng tahanan at tumira sa kalye at natutulog sa isang bahay na gawa sa karton sa tabi ng istasyon [ng tren], namamalimos at naghihirap na makahanap ng mga paraan para magkaroon ng susunod na makakain.” —Frederick
“Sa mga araw na sumunod sa paggamit ko ng LSD, napuno ako ng pagkabalisa at napakatinding kalungkutan. Kasunod ng una kong trip sa LSD, palagi ko itong kakainin, minsan ay apat o limang beses kada linggo at nang matagalan. Bawat beses na gagamitin ko ang droga, mas palayo ako nang palayo sa realidad. Ang kinauwiang epekto ay ang kawalan ng kakayahan kong makaramdam na normal ako sa sarili kong katawan.” —Andrea