CRACK COCAINE
“Halos isang taon akong nanirahan kasama ang isang adik sa crack. Mahal ko ang adik na iyon, ang nobyo ko, nang buong puso ko, pero hindi ko na talaga [ito] matagalan.
“Walang tigil na nagnakaw ang ‘ex’ ko at hindi niya maihiwalay ang sarili niya mula sa pipa niya. Sa tingin ko mas masama ang crack kaysa sa heroin—puwedeng isang pipa lang ang kinakailangan para maging isa kang immoral na halimaw.” —Audrey
“Nagkaroon ako ng $2,000 dolyar kada linggong bisyo at desperadong makawala sa mga kadena.”—Jennifer
“Ang tanging nasa isip ko ay crack cocaine. At kapag may nag-alok sa iyo nito, susunggaban mo ito at kukunin mo ito. Para ba itong pag-aalok sa isang gutom ng tinapay pagkatapos niyang maglakad nang ilang kilometro. Umabot ito sa sukdulan noong dalawang beses kada linggo na ako humithit. Isang araw ay nagpasya akong puno na ako—hindi ko na kayang mabuhay nang ganito. Kailangan kong magsubok at lumaban. Sana ay gumana ang udyok kong mabuhay.”—John
“Sa loob ng animnapung taon ay hindi ako gumamit ng droga at umiinom lamang sa mga salu-salo, ngunit kailanman ay hindi sobra-sobra. Nagretiro ako bilang isang matagumpay na ehekutibo ng isang kompanya na nakapagpatapos ng dalawang anak na babae sa kolehiyo at pinaghirapan ko ang aking pagreretiro. Gayunpaman, ang party ko sa pagreretiro ang simula ng limang taong impiyerno. Iyon ang unang beses na naipakilala ako sa crack cocaine. Sa loob ng susunod na limang taon, nawala sa akin ang aking tahanan, ang aking asawa, ang lahat ng aking mga pinagkukunang-yaman, ang kalusugan ko at halos pati na rin ang buhay ko. Halos dalawang taon din ang itinagal ko sa kulungan.”—William
“Naipakilala ako sa paghithit ng crack cocaine, at doon tumigil ang lahat. Lumalabas ako noon kasama ang mga taong itinuturing kong talagang malalapit na kaibigan. Alam mo, totoo ang sinasabi nila tungkol sa crack: ‘sa unang tira mo nito, hindi mo na makukuha ang ganoong high.’ Lubusan akong sinira nito. Kinontrol ako nito nang lubusan. Sinira ng crack cocaine ang aking reputasyon, ang halaga ko sa aking sarili at ang respeto ko sa sarili.”—Dennis