CRYSTAL METH
“Nawala sa kontrol ang buhay ko pagkatapos ng isang simpleng ‘girls night out’ para mapawi ang pagkabagot. Pagkatapos maipakilala sa unang beses sa edad na kuwarenta, sa loob lamang ng tatlong taon ay tumitira na ako ng meth. Iniwan ko ang asawa ko at tatlong anak (sampu, labindalawang taon at labinlimang taon) at nauwi sa pagtira sa kalsada.” —Marie
“Ang perang galing sa kawanggawa ay hindi sapat para matustusan ang aming bisyo sa ‘meth’ at masuportahan ang aming anak kaya ginawa naming laboratoryo ng meth ang inuupahan naming tahanan. Iniimbak namin ang nakalalasong mga kemikal sa aming refrigerator, hindi namamalayang makapanghihimasok ang mga lason sa ibang pagkain sa icebox.
“Noong binigyan ko ang tatlong-taong gulang na anak ko ng keso para kainin, hindi ko alam na binibigyan ko siya ng nalasong pagkain. Batung-bato ako sa meth para mapansin, hanggang makalipas ang 12 oras, na halos patay na sa sakit ang anak kong lalaki. Ngunit dahil batung-bato ako, inabot ako ng dalawang oras para maisip kung paano ko siya madadala sa ospital na limang milya ang layo mula sa bahay. Noong marating namin ang emergency room, ipinahayag na namatay ang anak ko dahil sa nakamamatay na dosis ng ‘ammonia hydroxide,’—isa sa mga kemikal na ginagamit para makagawa ng meth.”—Melanie
“Ang crystal meth ay ang pinili kong droga, ngunit mayroon ding iba—mura, madaling makuha, madaling makasugapa at, siyempre, madaling gamitin. Sinubukan ko ito minsan at BOOM! Nalulong ako. Isa sa pangunahing mga bagay na naapektuhan nito ay ang aking propesyon sa musika. Mayroon akong napakagaling na banda at tumutugtog ng napakahusay na musika at mayroong magagaling na mga kasama na hindi lamang mga miyembro ng banda kundi matatalik na mga kaibigan pa. Nagbago ang lahat ng iyon nang magsimula akong gumamit ng meth."—Brad