PAANO NAGSISIMULA ANG PAG-ABUSO SA RITALIN
Parang napakasimple nito sa simula. Nahuhuli nang bahagya ang isang mag-aaral sa kanyang mga pag-aaral. Magkakaroon ng pagsusulit at kailangan niyang maghanda. Kailangan niyang magpuyat para magkaroon ng pagkakataong makapasa. Ginagawa siyang nerbiyoso ng kape, ngunit karamihan sa kanyang
mga kaibigan ang gumagamit ng mga pildoras na ito para mabigyan sila ng karagdagang enerhiyang kailangan nila.” Bakit hindi? Ilang salapi; isang pildoras; isang buong gabi ng pag-aaral; isang pakiramdam ng “konsentrasyon.”
Maaaring doon ito nagsisimula, ngunit kalimitang hindi ito doon nagtatapos.
Ang ilang mga mag-aaral ay dinudurog ang Ritalin at sinisinghot itong katulad ng cocaine para sa mas mabilis na pagtalab nito. “Pinananatili nitong gising ka nang matagalan,” ang sabi ng isa.
At katulad ng cocaine o kahit anong ibang pampagana, ang magandang “masiglang pakiramdam” na iyon ay walang mintis na sinusundan ng isang “pagbagsak,” isang pakiramdam ng kapaguran, depresyon at pagbaba ng kaliksihan. Isang mag-aaral na gumagamit ng Adderall, isa pang pampaganang malawakang inaabuso sa mga kolehiyo, ang nagsalaysay na ang pakiramdam ng “sukdulang kalinawan” ay nagiging isang kalagayan ng “dinurog at sobrang wasak” sa sumunod na araw. Katulad ng sabi ng isang gumagamit, “Kadalasang nauuwi ako sa isang crash coma pagkatapos.”
At, siyempre, kalaunan ay matutuklasan ng gumagamit na ang “crashed out” na pakiramdam na ito ay maaaring maibsan sa “tulong” ng isa pang pildoras na makaka-ahon ulit sa kanya. At nagpapatuloy pa ito.
Ang susunod ay maaaring mas matataas na dosis, o pagsinghot dito para sa mas matinding bugso. Tumitindi ang hindi pagtalab ng droga, kaya kailangang gumamit nang mas marami. Sa mas matataas na dosis, ang Ritalin ay maaaring humantong sa mga kombulsyon, mga sakit ng ulo at mga guni-guni. Ang makapangyarihang parang amphetamine na sangkap na ito ay maaari ring humantong sa kamatayan, katulad ng maraming matrahedyang kaso ng mga batang namatay sa mga atake sa puso na sanhi ng pinsala na konektado sa droga.
“Una akong sumubok ng Ritalin noong nasa ika-pitong baitang ako. Inireseta ito sa akin—akala nila mayroon akong bahagyang ADD [attention deficit disorder], dahil nagkunwari ako para magkaroon ako ng dahilan para sa hindi mahuhusay na marka sa paaralan (Tamad lamang ako). Hindi ko kailanman napagtanto na nagiging sugapa na pala ako, at hindi naglaon ay wala na akong ipinagkaiba sa sinumang karaniwang gumagamit ng droga.
“Mga 40 mg ang ginagamit ko sa isang araw at pakiramdam kong inilagay ako nito sa pinakamahusay kong kondisyon. Ilang magkakasunod na araw akong gising, hanggang sa puntong dumanas ako ng matinding pagkabaliw. Nakakatakot! Para bang natutunaw at nag-iibang-anyo ang lahat at takut na takot ako.” — Andrea