ANG MAPANGANIB NA MGA EPEKTO NG MARIJUANA
Ang mga madaliang epekto ng paggamit ng marijuana ay kinabibilangan ng mabilis na pagtibok ng puso, pagkatuliro, kawalan ng koordinasyon ng iba’t ibang bahagi ng katawan, kadalasang sinusundan ng matinding kalungkutan o pagka-antok. Ang ibang gumagamit ay nakararanas ng mga panic attack o pagkabalisa.22
Pero hindi doon nagtatapos ang problema. Ayon sa mga siyentipikong pag-aaral na ginawa, ang aktibong sangkap sa cannabis, ang THC, ay nananatili sa loob ng katawan nang ilang linggo o
mga buwan pa.23
Ang usok ng marijuana ay nagtataglay ng 50% hanggang 70% higit pang mga bagay na nakapagdudulot ng kanser kaysa sa usok ng tabako. 24 Iniulat ng isang malaking pananaliksik na
pag-aaral na ang iisang joint ng cannabis ay maaaring magdulot ng malaking pinsala sa baga tulad ng limang regular na sigarilyo na hinithit isa makatapos ang isa.4 Madalas na nagdurusa sa bronchitis, pamamaga ng daanan ng hangin sa katawan, ang mga matagal nang gumagamit ng joint.25
Ang droga ay maaaring maka-apekto sa iyong pisikal na kalusugan. Iniuugnay ng mga pag-aaral sa Australia noong 2008 ay ang maraming taon ng matinding paggamit ng marijuana sa mga abnormalidad ng utak. 26 Ito ay sinusuportahan ng unang pananaliksik sa matagalang epekto ng marijuana, na nagpapakita nang pag-iiba sa utak tulad sa mga sanhi nang matagalang pang-aabuso sa ibang mas importanteng mga droga. At ilang mga pag-aaral ang nagpakita ng koneksiyon sa pagitan ng tuluy-tuloy na paggamit ng marijuana at pagkabaliw.27
Nababago ng marijuana ang estruktura ng mga selyula ng esperma, sinisira ang mga ito.
Kaya kahit maliliit na dami ng marijuana ay maaaring maging sanhi ng pansamantalang pagkabaog sa mga lalaki. 28 Ang paggamit sa marijuana ay maaari ring makasira sa buwanang dalaw ng isang babae.29
Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang mga mental na kakayahan ng mga taong nakahithit ng sobrang dami ng marijuana ay humihina. Ang THC sa cannabis ay inuudlot ang mga selyula ng nerbiyos sa utak na nakaaapekto sa memorya.30
Ang cannabis ay isa sa ilang drogang nagiging sanhi ng abnormal na paghahati ng selyula na humahantong sa malalang namamanang mga depekto. Ang isang buntis na regular na humihithit ng marijuana o hashish ay maaaring magbigay-silang nang maaga at kulang sa buwan sa isang maliit at magaang na sanggol. Sa loob ng nakalipas na 10 taon, maraming anak ng mga gumagamit ng marijuana ay ipinanganak na taglay ang mababang katalinuhan at nabawasang kakayahang magtuon ng atensiyon at ituloy ang mga mithiin sa buhay. 31 Iminumungkahi rin ng mga pag-aaral na ang prenatal (bago ang panganganak) na paggamit ng droga ay maaaring maging sanhi ng mga depekto sa kapanganakan, mga mental na abnormalidad at mas malaking panganib ng leukemia sa mga bata.31