EDIBLES
Ang marijuana o hash oil ay maaaring ihalo sa pagkain o mga inuming karaniwang tinatawag na “edibles.” Ang brownies, cookies, candy, soda at mga tsaa ay ilang sikat na mga anyo.
Kapag humithit ng marijuana ang isang tao, nararamdaman niya kaagad ang mga epekto. Kapag ang isang tao ay kumain o uminom ng pagkain o inuming hinaluan ng marijuana, maaaring kailangan ng 30 o 45 minuto para matunaw ito, kaya ang tagal ng panahon bago maging aktibo ang droga ay mas matagal. Sa ibang salita, hindi kaagad nararamdaman ng tao ang mga epekto. Dahil dito, kumakain pa nang mas marami ang tao. Kapag sa wakas ay tumalab na ang mga epekto, ang mga pagkakataon ng pagiging langung-lango at pagkakaroon pa ng psychotic episode ay napataas nang malaki.
Ang dami ng marijuana sa mga edibles ay maaaring malaki ang pagkakaiba, at ang dami ng THC ay maaaring napakalaki, na nag-ulat ang mga tao ng matinding paranoia at pagkabalisa na halos psychotic behavior na, bilang resulta.
Heto ang ilan lamang sa mga kapansin-pansing mga kasong kinabibilangan ng mga edibles: Isang reporter para sa The New York Times ang kumain ng candy bar na hinaluan ng marijuana at pagkatapos ay walong oras siyang nakabaluktot sa kanyang pagkaguni-guni.10 Isang kabataan sa Colorado ang kumain ng isang serving ng cookie na may halong marijuana—1/6 ng isang cookie. Pagkatapos ng 30 hanggang 60 minuto, wala siyang naramdaman, kaya kinain niya ang natirang cookie. Pagkatapos tumalab ang mga epekto ng mga droga, tumalon siya mula sa isang balkonahe sa ika-4 na palapag at namatay mula sa pagbagsak.11
VAPING
Ang vaping ng marijuana ay ginagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng hilaw na cannabis o langis ng THC sa isang vaporizer o isang e-cigarette. Habang may mga pahayag na isa itong “mas malusog” na paraan ng pagkonsumo ng marijuana, ang mga epekto ng mga vaporizer at
mga e-cigarette ay hindi ganap na nasaliksik sa malakihang mga pag-aaral.
MGA SIKAT NA TAWAGMARIJUANA |
||
|
|
HASHISH
|
MGA TERMINO PARA SA DAMI
Lid: isang onsa o kulang pa
Matchbox: maliit na dami na kadalasang
nasa karton ng posporo
Nickel bag: isang maliit na bag na ibinebenta nang $5
Dime bag: isang maliit na bag na ibinebenta nang $10
Quarter: isang kapat na onsa
Brick: 2.2 libra o isang kilo ng siniksik na marijuana