GAMOT BA ANG MARIJUANA?

Ang mga bumubuo sa halamang marijuana ay maaaring may nakagagamot na mga katangian. Hindi iyon katulad ng “medisina.” Ang medisina ay nagagawa kapag pinipiga ng laboratoryo ang medicinal compound, ginagawa itong standard (ibig sabihin ay gagawin nito ang parehong proseso bawat beses), at binibigyan ito ng dosis (isang standardized na dami na inirereseta ng doktor).

Ang terminong “medicinal marijuana” ay kadalasang ginagamit sa buong hindi naprosesong halamang marijuana o ang mga krudong substansyang napiga mula rito, na hindi kinikilala o pinahintulutan bilang medisina ng U.S. Food and Drug Administration para sa anumang karamdaman.16

Dahil minsan ang marijuana ay ibinebenta bilang isang medisina, nagbago ang pagtingin sa drogang ito. Ngunit ang batayang mga katotohanan tungkol sa marijuana ay hindi nagbago dahil lamang ibinebenta ito bilang “medisina.” At habang nagpapatuloy pa ang debate sa legalisasyon nito, hindi katumbas ng legal ang ligtas. Legal ang mga sigarloyo ngunit walang debate tungkol sa katotohanang ang paninigarilyo ay panganib sa kalusugan. Legal ang alkohol ngunit tingnan ang dami ng mga taong sumasagupa sa pagkalulong sa alkohol o mga karamdamang kaugnay sa pag-abuso sa alkohol.


NAKAAAPEKTO SA PAGMAMANEHO ANG MARIJUANA

Ang paggamit ng marijuana ay nakapagpapahina nang malaki sa pagpapasya, koordinasyon at bilis ng reaksiyon—lahat ng mga kakayahang kinakailangan para makapagmaneho nang ligtas. Ang marijuana ang ikalawang pinaka-karaniwang psychoactive na substansyang matatagpuan sa mga nagmamaneho, kasunod ng alkohol.17

Ang mga gumagamit ng marijuana ay 3 hanggang 8 beses na mas malamang na magka-aksidente sa sasakyan.17

Ang pagmamaneho sa ilalim ng impluwensiya ng cannabis ay kaugnay sa 92% pagtaas ng panganib ng mga aksidente sa sasakyan. Mahalaga ang katotohanang ang ganoong pagmamaneho ay kaugnay sa 110% pagtaas sa nakamamatay na mga pagbangga.18

  • Iniulat ng AAA na sa Estados Unidos, ang mga pagkamatay na may kinalaman sa cannabis ay
    tumaas mula sa 8% noong 2013 at naging 17% noong 2014.19
  • Sa Colorado, ang paggamit ng marijuana ay tumaas nang malaki mula noong 2009, at natuklasan ng isang pag-aaral an ang proporsyon ng mga nagmamaneho sa nakamamatay na banggaan ng
    mga kotse sa Colorado na lumalabas na positibo sa marijuana ay tumaas mula sa 5.9% noong 2009 hanggang sa 10% noong 2011.20
  • Sa estado ng Washington, ang nakamamatay na mga aksidente sa sasakyan ay tumaas nang 122% sa pagitan ng 2010 at 2014.21
  • Sa California, ang porsiyento ng mga nagmamanehong lumalabas na positibo sa marijuana at kasangkot sa nakamamatay na banggaan ng mga sasakyan ay umangat mula 9% noong 2005 hanggang sa 16.5% noong 2014.21