KABATAAN KUMPARA SA MGA NAKATATANDA.
ANO ANG KAIBAHAN?

Photo credits: Stockxpert
Photo credits: Stockxpert

Hindi maaaring makaya ng katawan ng isang bata ang alkohol katulad ng matatanda.

Ang pag-inom ay mas mapanganib sa mga bata kaysa sa matatanda dahil nabubuo pa ang kanilang mga utak sa buong panahon ng kabataan hanggang sa pagsapit sa sapat na gulang. Ang pag-inom sa mapanganib na kalagayan ng pagsibol na ito ay maaaring humantong sa panghabambuhay na pagkasira ng gawain ng utak, lalo na kung iuugnay ito sa alaala, kahusayan sa mga paggalaw at pagtutugma ng
mga kilos.

Ayon sa pananaliksik, ang mga batang nagsisimulang uminom bago dumating sa
15 taong gulang ay 4 na beses na mas malamang na magkaroon ng pagdepende sa alkohol kumpara sa mga nagsisimulang uminom sa edad na 21.

Para sa ilang kabataan, katulad ni Samantha, ang pag-inom ay parang isang solusyon sa
mga problemang ayaw nilang harapin.

“Noong ako ay 13 taong gulang, tutuksuhin ako ng mga kaibigan kapag ko kung wala akong inumin. Bumigay na lang ako dahil mas madaling makisama sa grupo. Hindi talaga ako masaya at uminom lamang para matakasan ang aking buhay.

“Dumalang nang dumalang ang paglabas ko kaya’t nawalan ako ng mas maraming kaibigan at dahil mas naging malungkot ako, mas uminom ako nang uminom.”

“Marahas ako at wala sa kontrol. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko. Sinisira ko ang aking pamilya.”

Napalayas sa kanyang tahanan noong siya ay 16 na taong gulang, wala siyang tahanan at nagsimulang manlimos ng pera para makabili ng mga inumin. Pagkalipas ng ilang taon ng pang-aabuso, sinabi ng mga doktor na nagkaroon na ng kapinsalaang walang lunas sa kanyang kalusugan.

...Ako ay 16 na taong gulang lamang ngunit sirang-sira na ang atay ko at halos patayin ko na ang sarili ko mula sa lahat ng naiinom ko.” Samantha