MGA DRUG-FREE YOUTH CLUB

Sa Los Angeles, natuto ang <br />mga miyembro ng isang Drug-Free Youth Club kung ano ang magagawa nila para maturuan ang iba at maagapan ang lokal na pag-abuso sa droga.
Sa Los Angeles, natuto ang mga miyembro ng isang Drug-Free Youth Club kung ano ang magagawa nila para maturuan ang iba at maagapan ang lokal na pag-abuso sa droga.

Bawat labindalawang segundo, isa pang batang pumapasok pa sa eskuwelahan ang nag-eeksperimento sa ipinagbabawal na droga sa unang pagkakataon. Sa gayon, mas mahalagang maabot ng mga edukasyon tungkol sa droga at mga gawaing pang-agap ang mga bata bago sila magsimula.

Bilang bahagi ng kampanya ng edukasyon at kamalayan sa droga ng Foundation, ang mga paaralan at mga community center sa buong mundo ay nagiging taga-suporta at nagho-host ng
mga Drug-Free World Youth Club. Sa Twin Cities, Minnesota man, o Chihuahua, Mexico, ang kanilang mensahe ay simple: Alamin ang katotohanan tungkol sa mga droga.

Nagiging mga aktibistang drug-free ang mga kabataan sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga club at sa marami nilang mga pangkomunidad na gawain. Ang pagpapalabas ng labing-anim na anunsiyong pampublikong serbisyo at ang Ang: Katotohanan Tungkol sa Mga Droga: Tunay na Mga Tao—Tunay na Mga Kuwento, ay regular na ginagawa para makapagbigay ng malalimang pagtingin sa isang indibidwal na droga.

Kasama sa mga gawain ay ang pagpapapirma sa iba sa Panatang Drug-Free para mamuhay nang malaya sa droga. Sa paggawa noon, binabago nila ang pamimilit ng mga ka-edad at lumilikha ng
mga drug-free zone sa kanilang mga paaralan, mga sambahayan at mga komunidad.